Radio Philippines Network
Image default
Headlines National News

Greenpeace PH hinikayat si Pangulong Duterte na magdeklara ng climate emergency

Hinihikayat ng environmental group na Greenpeace Philippines si Pangulong Rodrigo Duterte na mag deklara na ng climate emergency matapos ang sapilitang paglikas ng maraming Pilipino dahil sa bagyong ‘Tisoy’.

Sa bukas na liham na ipinadala ng Greenpeace, nais nitong magdeklara ng climate emergency ang pangulo sa pamamagitan ng isang executive order na naglalayong gawing prayoridad ng gobyerno ang epekto ng climate change sa buhay ng mga Pilipino.

Sinasabi rin dito ang kahinaan ng bansa pagdating sa mga kalamidad tulad na lamang ng pagbaha at landslides.

Ayon kay Greenpeace Philippines Director Lea Guerrero, kada taon ay kilala ang bansa sa pinakamatinding apektado ng global crisis dahil sa emergency situation na pinalala ng malaking polusyon galing sa mga kumpanya ng gasolina.

Related posts

UNIFIL-MIGRANTE secretary-general niresbakan si Bertiz kaugnay sa kondisyon ng OFWs

Powered by DWIZ

Panukalang anti- political dynasty bill umusad na sa Senado

Powered by DWIZ

Dagdag na P1,000 na pension sa GSIS matatangap ng mga retirado at PWD

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More