28.9 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Grab naniningil na umano ng P100 na booking fee

- Advertisement -

Naniningil na ang Grab Philippines ng isandaang Piso na booking fee sa kada biyahe ng kanilang mga unit.

Ito ang inihayag ni PBA Partylist Representative Jericho Nograles, sa gitna ng mataas na pasahe na sinisingil ng Grab sa kanilang mga pasahero.

Ayon kay Nograles , para hindi mapansin ng publiko ang nasabing dagdag singil ay naglalabas ang Grab ng promo gaya ng 100 Pesos na discount , na mapapakinabangan at maiipon lamang ng isang pasahero na madalas mag – book ng kanilang sebisyo.

Kasabay nito , hinimok ni nograles ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board na patawan ng mabigat na parusa ang Grab na nananamantala sa publiko.

Dagdag pa ng Kongresista,  aabot sa Bilyong Pisong halaga  ng multa ang maaaring habulin ng LTFRB sa Grab para sa ginawang  paniningil nito ng 2 Pesos per minute charge sa kanilang mga pasahero.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -