Radio Philippines Network
National News

Gordon nais makipag-ayos ang Pilipinas sa EU

Nais ni Senador Richard Gordon na ayusin ng Pilipinas ang gusot sa relasyon ng bansa sa pagitan ng European Union (EU) at iba pang mga bansa kasabay ng paglaban ng buong mundo sa pandemyang coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Paliwanag ni Gordon, sa panahon kasing may pandemya ay hindi maaaring balewalain ang mga maaaring maitulong ng ibang bansa.

Sa katunayan aniya ay mayroong maayos na ugnayan ang Philippine Red Cross sa Europa kung saan sinusuportahan ang kanilang disaster relief at management operations.

Umaasa naman ang senador na kapag naayos na ang gusot sa pagitan ng mga bansa ay mas madali itong makakaresponde o makatutulong sa apela ng Pilipinas tuwing may kalamidad sa kahit saang bahagi ng Pilipinas.

Related posts

Listahan ng brands ng suka na walang synthetic acetic acid ilalabas din – FDA

Powered by DWIZ

DICT kinalampag dahil sa pamamayagpag ng mga illegal na courier firms sa bansa

Powered by DWIZ

Liquor ban ipinatupad sa Maynila

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More