28.5 C
Manila
Wednesday, April 17, 2024

Gordon hinikayat ang IATF na muling buksan ang mga airport sa bansa para sa mga OFW repatriates

- Advertisement -

Hinihikayat ni Senator Richard Gordon ang Inter-Agency Task Force (IATF) na muling buksan ang mga paliparan sa bansa para sa repatriation flights ng mga Pilipinong na-stranded abroad.

Ito ay matapos na humingi ng tulong ang ilang Overseas Filipino Workers (OFW’s) sa United Arab Emirates na nawalan ng trabaho at nahaharap sa global pandemic ng malayo sa kanilang mga mahal sa buhay.

Ayon kay Gordon, hindi nito isinasantabi ang pag-iingat na inilatag laban sa COVID-19, ngunit hindi naman aniya magiging problema kung papayagan ng pamahalaan ang ilang pagbyahe papasok ng bansa gaya ng pagbubukas ng paliparan sa Clark, Subic, at Mactan.

Naiintindihan aniya, ang mga hinanaing ng mga OFW’s abroad dahil mahirap makipagsapalaran sa ibang bansa ng walang trabaho at walang kasiguraduhan kung saan kukuha ng pera pangkain at iba pang kakailanganin sa pang araw-araw.

Samantala, magugunitang pinahihintulutan na ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang paglapag ng mga international commercial flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na may lulang OFW’s na inilikas abroad simula noong May 11 at piling araw.

Gayunman, nililimitahan lamang sa 400 ang pagdating ng mga pasahero sa NAIA kada araw.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -