Radio Philippines Network
Image default
Headlines International News National News

Gobyerno ng Taiwan ikinagalak ang pagbawi sa travel ban

Labis na ikinatuwa ng gobyerno ng Taiwan ang pagbawi ng Pilipinas sa travel ban.

Sa isang pahayag, sinabi ng Taipei Economic and Cultural Office (TECO) na kanilang pinahahalagahan ang naging desisyon ng pamahalaan.

Ayon sa TECO, naniniwala sila na ang desisyon ng Pilipinas na bawiin ang travel ban ay bunga ng magandang relasyon ng dalawang bansa.

Kasabay nito, pinasalamatan din naman ng TECO ang Manila Economic and Cultural Office (MECO) dahil sa kanilang hakbang upang alisin na ang travel ban para na rin sa kapakanan ng mga maapektuhang Overseas Filipino Workers (OFW).

Sa ngayon, tiniyak naman ng TECO na pinaiiral ng Taiwan ang mahigpit na mga hakbang upang matiyak ang kaligtasan ng mga Filipinong mangagawa doon sa panganib ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Related posts

Prince Harry kinasuhan ang dalawang publishers ng mga pahayagan

Powered by DWIZ

Magnitude 6.5 na lindol tumama sa Indonesia, 20 katao nasawi

Powered by DWIZ

Retired SC Assoc Justice Noel Tijam itinalaga bilang academe representative ng JBC

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More