Gilas Pilipinas patuloy ang pagsasanay para sa FIBA Asia Cup Qualifiers

Gilas Pilipinas patuloy ang pagsasanay para sa FIBA Asia Cup Qualifiers

by Powered by DWIZ
38 views

Tuloy-tuloy ang pag-eensayo ng Gilas Pilipinas bilang paghahanda sa kanilang pagsabak sa FIBA Asia Cup Qualifier game na nakatakdang ganapin sa Indonesia.

Ito ay sa kabila naman ng posibilidad na makansela ang laban dahil sa banta coronavirus diease outbreak.

Ayon kay Gilas Pilipinas Team Manager Gabby Cui, hangga’t wala pang opisyal na anunsyo ang FIBA, patuloy lamang sa practice ang koponan kasama ang kanilang interim coach na si Mark Dickel.

Una nang napaulat na kanselado ang unang laban ng Gilas kontra Thailand.

Gayunman sa pinakahuling anunsiyo ng FIBA kahapon, tuloy ang qualifer game ng dalawang koponan na nakatakda sa February 20.

0 comment

Related Posts