Radio Philippines Network
Sports & Entertainment

Geneva Cruz balik Pilipinas na

Balik Pilipinas na ang singer na si Geneva Cruz matapos ang anim na taong paninirahan sa Estados Unidos.

Kasama ni Geneva sa pag-uwi ng Pilipinas ang kanyang anak na babae na si London.

Ayon kay Geneva, wala naman siyang masyadong ginagawang adjustments sa pagbabalik-bansa dahil dito naman aniya siya pinanganak at lumaki.

Dagdag ni Geneva, maging ang kanyang anak na si London ay hindi na rin kailangan ng malaking adjustments dahil tulad niya ay mahilig rin ito sa mainit na panahon at beaches.

Aminado naman si Geneva na nakararamdam din siya ng bahagyang kalungkutan dahil malayo siya sa kanyang panganay na anak na si Heaven na nagpasiya namang manatili sa US.

Related posts

Marcelito Pomoy pasok na sa ‘AGT’ grand finals

Powered by DWIZ

Meralco Bolts nagwagi kontra Magnalia Hotshots

Powered by DWIZ

Basketball Superstar Jayson Castro malabong makapaglaro sa FIBA Basketball World Cup

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More