31.3 C
Manila
Tuesday, April 23, 2024

Galvez hinimok ang publiko na lumahok sa Bangsamoro plebiscite

- Advertisement -

Hinimok ni Presidential Peace Adviser Carlito Galvez ang publiko lalo ang mga muslim na makibahagi sa plebesito para sa Bangsamoro Organic Law o BOL sa Lunes, Enero 21 at Pebrero 6.

Ayon kay Galvez, hindi dapat mag-aksaya ng panahon sa isang bihirang pagkakataon na makaboto.

Napakahalaga at makasaysayan anyang kaganapan para sa Mindanao ang plebesito para sa mga moro at non-moro people na naninirahan sa itatatag na Bangsamoro Autonomous Region.

Titiyakin sa ilalim ng BOL ang matagal nang inaasam na kapayapaan sa Mindanao na magreresulta sa kaunlaran sa naturang lugar.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -