Gabay ng mga magulang malaki ang papel para maiwasan ang teenage pregnancy — POPCOM

Gabay ng mga magulang malaki ang papel para maiwasan ang teenage pregnancy — POPCOM

by Powered by DWIZ
25 views

Nanindigan ang Population Commission (POPCOM) na malaki ang papel ng mga magulang sa pagpapababa ng bilang ng teenage pregnancy sa bansa.

Ayon kay Undesecretary Juan Antonio Perez III ng POPCOM, kailangan ay magkaroon ng dayalogo o pag-uusap ang mga kabataan at mga magulang.

Aniya, mas mababa ang tyansa ng pagkakaroon ng maagang pagbubuntis ang mga pamilyang mayroong oras.

Dagdag pa nito, may magandang “value” ang pakikinig sa mga guro at magulang na dapat ibalik sa panahon ngayon.

0 comment

Related Posts