30.6 C
Manila
Sunday, April 21, 2024

Fish Kill Sa Lake Buhi Matapos An Bagyo

- Advertisement -

Iriga City — Hinihintay pa ngayon ang resulta ng inbestigasyon sa sanhi ng fish kill na nangyari sa lake Buhi matapos na daanan nmg bagyong Quinta.

Una rito, kilo-kilong isda ang lumutang sa lawa na sakop ng Brgy. Cabatuan, Ibayugan, Iraya at Brgy. Tambo sa Buhi, Camarines Sur kahapon ng umaga.

Ayon sa inisyal na impormasyon mula kay Mark Anthony Nazarrea, Public Information Officer ng LGU Buhi, hindi pa nila alam kung ano ang sanhi ng fish kill pero iniimbestigahan na rin ito ng Lake Development Office.

Kaugnay nito, bagsak presyo ang bentahan ng tilapya sa lugar na ayon kay Nazarrea ay umabot sa ₱ 20.00 ang kada kilo subalit ang buhay pa ay pumapatak sa ₱ 100.00 bawat kilo.

Napag-alaman ng Radyo Ronda na hindi magkamayaw ang mga mamimili sa bagsak presyo ng naturang isda. Inaalam pa ang kabuuang halaga ng danyos sa nasabing fish kill.
(OIC Melvin Barayoga, RPN DZKI Iriga)

 

(Source: LGU Buhi)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -