Home Headlines Fariñas, Umali at Buhain posibleng alising chairpersons ng kanilang mga komite—Castro

Fariñas, Umali at Buhain posibleng alising chairpersons ng kanilang mga komite—Castro

0

Tinukoy ni House Deputy Speaker Fredenil Castro ang tatlong committee chairmen na posibleng matanggalan ng chairmanships sa ilalim ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo.

Ayon kay Castro, minimal lamang ang House reorganization at tanging apektado lamang ay pawang mga komite na nangailangan ng chairpersons na pinagkakatiwalaan ng bagong House Speaker.

Hindi naman nagbanggit ng pangalan si Castro subalit ang mga komite na apektado ay Rules, Accounts at Justice.

Ang mga kasalukuyang pinuno ng mga nasabing komite ay sina Congressmen Rodolfo Fariñas, Elenita Ermita-Buhain at Reynaldo Umali.

Ulat ni Jill Resontoc (Patrol 7)
Fariñas, Umali at Buhain posibleng alising chairpersons ng kanilang mga komite—Castro was last modified: July 28th, 2018 by Judith Estrada-Larino

Exit mobile version