33.8 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Ex-PNP chief Lomibao kay Sinas sa kontrobersyal na birthday party: Magkaroon ng delicadeza

- Advertisement -

“Magkaroon ng delicadeza at iligtas ang PNP sa kahihiyan”

Ito ang naging pahayag ng dating hepe ng Philippine National Police (PNP) na si General Arturo Lomibao kaugnay sa kontrobersyal na birthday party ni NCRPO  chief Brigadier General Debold Sinas.

Sakanyang Facebook post sinabi ni Lomibao na bilang isang retiradong pulis ay masakit malaman na isang heneral ang lumabag sa patakaran gayung ang dating bansag sa serbisyo ay “Alam Mo ang Mga Patakaran”.

Aniya, bagamat sinasabi ni Sinas o ni PNP chief Archie Gamboa na isa itong sorpresa o manañita ay dapat na paalisin na lamang niya ito sa magandang paraan dahil panigurado naman aniyang maiintindihan nila ito.

Iginiit pa ni Lomibao na dapat magkaroon ng delicadeza si Sinas at harapin ang ginawang kasalanan bilang lalaki at huwag ipasa ang sisi sa organizer ng kanyang birthday party.

Aniya, hindi pa naman huli ang lahat upang humingi ng tawad dahil walang sinoman ang perpekto.

Samantala, nag iwan naman ng katanungan si Lomibao kay Gamboa kung ano ang nangyari sa mantra ng pambansang pulisya na “Pagpapatupad ng batas ng walang takot o pinapaboran”.

Si P/Dir. General Arturo Lomibao ay naging hepe ng PNP noong Marso taong 2005 hanggang Hulyo taong 2006.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -