35.8 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Ex-Cong Andaya, Nahaharap Sa Kasong Grave Threat; 3 Indibidwal, Pinagmumura At Pinagbantaang Papatayin

- Advertisement -




Iriga City – Nahaharap ngayon sa kasong Grave Threat si dating Congressman Rolando “Nonoy” Andaya Jr.

Ito’y matapos pagbantaan ng nasabing dating kongresista ang buhay ng tatlong indibidwal sa hindi malamang dahilan.

Kinilala ang mga biktima na sina Gerald Badola, 39-anyos; Raymond Brimon, 35-anyos at Christopher Balbalosa, 30-anyos.

Sa nakalap na impormasyon hali sa Cam Sur PPO, nabatid na armado ng baby armalite si Andaya at ang mga hindi pa nakikilalang kasamahan nito nang pagbantaan ang nasabing mga indibidwal.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na pinagmumura at pinagbantaan pang papatayin ng dating opisyal sina Badola, Brimon at Balbosa.

Sa ngayon nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa naturang insidente. (Melvin F. Barayoga, RPN DZKI Iriga OIC)

(Source: CamSur Provincial Police Office)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -