29.7 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Espenido itinalaga sa Bacolod para palakasin ang mga kampanya kontra droga, krimen, pulis iskalawag — Banac

- Advertisement -

Dumipensa ang Philippine National Police (PNP) sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol kay P/Lt. Col. Jovie Espenido.

Ito ay matapos utusan ng Pangulo si Espenido na pagpapatayin ang lahat ng masasangkot sa iligal na droga sa kanyang bagong assignment sa Bacolod City.

Ayon sa tagapagsalita ng PNP na si P/Brig. Gen. Bernard Banac, itinalaga si Espenido sa Bacolod para palakasin ang kampanya laban sa iligal na droga, krimen at mga pulis iskalawag.

Iginiit ni Banac na iginagalang ng PNP ang rule of law, due process at ang karapatang pantao sa lahat ng kanilang isinasagawang operasyon.

Matatandaang, naging kontrobersyal na si Espenido bago pa man ito italaga bilang deputy director for operations ng Bacolod City PNP dahil nasa likod umano ito ng pagpatay kina dating Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa noong taong 2016.

Maging kay dating Ozamis City Mayor Reynaldo Parojinog sa parehong taon dahil sa pagkakasangkot ng dalawang alkalde sa malawakang operasyon ng iligal na droga sa bansa. — ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -