Home National News Eroplanong sumadsad sa NAIA mahirap alisin – DOTr

Eroplanong sumadsad sa NAIA mahirap alisin – DOTr

0

Hindi madaling alisin sa main runway ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ang sumadsad na eroplano ng Xiamen Airlines.

Ito ayon sa Department of Transportation (DOTr) ay dahil mayruong mga technical protocol at factors na dapat sundin ang lahat ng international airports para maisaayos ang sumadsad na eroplano.

Sa gitna na rin ito ng mga batikos na mahina o inefficient ang mga otoridad sa airport dahil hindi kaagad naalis ang nasabing eroplano ng Xiamen Airlines.

inihayag ng DOTr na ang pag-aalis sa sumadsad na eroplano ay hindi kasing dala nang pagto-tow ng isang bus o kotse.

Sinabi pa ng DOTr na dapat na hayaan muna silang gawin ang kanilang trabaho at hindi anito makakatulong ang mga akusasyon, paggawa ng intriga at pagmamaliit sa kanilang tanggapan at mga opisyal.

Eroplanong sumadsad sa NAIA mahirap alisin – DOTr was last modified: August 21st, 2018 by Judith Estrada-Larino

Exit mobile version