Radio Philippines Network
Image default
International News

Ekonomiya ng Iraq nanganganib bumagsak

Nanganganib bumagsak ang ekonomiya ng Iraq sakaling ituloy ni U.S. President Donald Trump ang banta nitong harangan ang access ng Iraq sa federal reserve bank sa New York City.

Ang banta ni Trump ay bunga ng boto ng Iraqi parliament na palayasin na sa kanilang bansa ang lahat ng dayuhang puwersa kabilang ang mahigit sa 5,000 sundalong Amerikano na tumulong mapalaya sa mga Jihadists noong 2014.

Ayon sa Iraq, nakasalalay sa kanilang pondo sa federal reserve bank ang pang araw-araw na aktibidad ng kanilang bansa.

Matatandaan na noong tanggalin ng UN security council ang lahat ng global sanctions na ipinataw sa Iraq nang giyerahin ni Saddam Hussein ang Kuwait lahat ng kita sa langis ng naturang bansa ay idinidiretso sa federal reserve bank.

90% ng budget ng Iraq ay galing sa kita nila sa langis.

Related posts

British Prime Minister Boris Johnson posibleng bumisita sa U.S.

Powered by DWIZ

British Prime Minister pormal nang tinanggap ang alok ng EU

Powered by DWIZ

Isa patay sa wildfire sa SoKor

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More