Egypt kinumpirma ang unang positibong kaso ng COVID-19

Egypt kinumpirma ang unang positibong kaso ng COVID-19

by Powered by DWIZ
35 views

Naitala sa Cairo, Egypt ang unang kaso ng isang pasyente na nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19).

Ito ang kinumpirma ng Egypt Health Ministry ngayong araw, kasunod ng agarang pagkakasa ng World Health Organization (WHO) ng preventive measure upang hindi na madagdagan pa o maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa naturang bansa.

Nilinaw naman ng WHO na ang naturang pasyente ay hindi Egyptian national at isang foreigner.

Gayunman, tumanggi naman itong pangalanan at isapubliko ang nationality ng positibong pasyente.

Samantala, iginiit rin ng WHO Egypt na hindi nagpakita ng anomang sintomas ang pasyente ngunit nagpositibo ito sa coronavorus disease.

0 comment

Related Posts