Radio Philippines Network
Headlines National News

EDSA bilang mass transport highway isinusulong — kongresista

Mahigpit na isinusulong ni House Committee on Metro Manila Development Chair Congressman Edgar Erice ang paggamit sa EDSA bilang mass transport highway para maibsan ang matinding problema sa trapiko.

Sa nasabing panukala, ipinabatid sa DWIZ ni Erice ang pagbabawal sa mga pribadong sasakyan na makadaan sa EDSA — mula 6 a.m. hanggang 9 a.m. at 6 p.m. hanggang 9 p.m..

Nangangahulugan ito aniya na dapat ilaan ang limang lanes ng EDSA sa public utility vehicles.

Sa halip na ipagbawal natin yung mga malalaking sasakyan na mga buses, passenger utility buses, passenger utility vehicles — ang aking suggestion po, from 6 a.m. to 9 a.m. at 6 p.m. to 9 p.m., ipagbawal natin ang lahat ng private vehicles, idedicate na po natin ‘yung limang lanes ng EDSA sa mga public utility vehicles,” ani Erice. — sa panayam ng Ratsada Balita

Related posts

24-hour water service naibalik na ng Manila Water

Powered by DWIZ

Guro na nag-alok ng P50-M pabuya sa makakapatay kay Duterte nasa kustodiya na ng NBI

Powered by DWIZ

Normal na suplay ng kuryente sa Luzon grid sa Setyembre pa babalik

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More