Ed Sheeran itinanghal na ‘artist of the decade’ ng UK

Ed Sheeran itinanghal na ‘artist of the decade’ ng UK

by Powered by DWIZ
56 views

Paniguradong isa kayo sa mga pinakilig ng singer at song-wrtier na si Ed Dheeran sa kanyang mga awiting tagos sa puso.

Kaya naman, itinanghal si Ed Sheeran bilang UK’s Official Number 1 Artist of the Decade ng Official Charts Company.

Pinarangalan naman bilang ‘Top Song‘ sa nakalipas na 10 taon ang kanyang record breaker na kantang Shape of You na mahigit tatlong buwang nanatiling number one sa Britanya noong taong 2017.

At hindi lamang ‘yon, nasungkit din ni Ed Sheeran ang ‘Official Chart Record Breaker’ award para sa may pinakamaraming number one singles at albums mula 2010 hanggang 2019.

Samantala, kabilang naman sa mga dati nang tumanggap ng naturang awards sina Paul Mccartney at Justin Bieber.

Lubos naman ang pasasalamat ni Sheeran sa lahat ng kanyang mga taga-suporta at kanyang mga fans.

0 comment

Related Posts