Radio Philippines Network
Image default
National News

Ecowaste Coalition may panawagan sa mga kandidato ngayong tapos na ang eleksyon

Nanawagan ang grupong Ecowaste Coalition sa mga kumandidato na baklasin at linisin ang kanilang mga campaign posters at iba pa ngayong tapos na ang eleksiyon.

Ayon kay Ecowaste National Coordinator Aileen Lucero, hindi natatapos sa pagka panalo o pagkatalo ng kandidato ang kanilang responsibilidad sa kanilang mga basura batay na rin sa resolusyon ng COMELEC.

Aniya, dapat na pag isipan ng mga pulitiko kung paano i re recycle at itatapon ang kanilang mga naging basura nitong nakalipas na halalan.

“Ang resolusyon ng COMELEC ay talaga namang nakalagay doon na pagkatapos ay dapat ibabaklas pero syempre kung dapat meron kang resolusyon, ay dapat meron ka din enforcement, dapat ay pinipilit talaga nila na ang sinasabi nila ay hanggang dulo ay kailangan mong sundin at hindi porket natalo ka ay hindi mo na siya kailangang sundin.” — Ecowaste National Coordinator Aileen Lucero.

(From Balitang Todong Lakas interview)

Related posts

Duterte hindi interasado sa pagdinig ng Senado sa ABS-CBN frachise issue —Panelo

Powered by DWIZ

DOH naglabas ng bagong testing protocols sa COVID-19

Powered by DWIZ

Kautusan kontra iligal na kontraktwalisasyon hindi sinusunod ng maraming kumpanya —Bello

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More