Duterte tiwala pa din kay Morente sa kabila ng isyu ng ‘pastillas scheme’

Duterte tiwala pa din kay Morente sa kabila ng isyu ng ‘pastillas scheme’

by Powered by DWIZ
45 views

Nanatiling tiwala si Pangulong Rodrigo Duterte kay Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente sa kabila ng isyu ng ‘pastillas scheme’.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, tiwala pa rin ang Pangulo kay Morente maliban na lamang kung siya na mismo ang magsabing wala na siyang kumpiyansa dito.

Matatandaang ibinulgar ni Senador Risa Hontiveros na lagayan sa loob ng immigration kapalit ang pag-eescort ng mga ito sa mga dumarating na Chinese na mga empleyado ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Agad namang ipinag-utos ni Morente ang imbestigasyon sa isyu at sinibak pa ang mga opisyal ng BI sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

0 comment

Related Posts