- Advertisement -
Target ni Pangulong Rodrigo Duterte na paigtingin ang kampanya laban sa mga mayayamang negosyante na gumagawa ng mga ilegal na aktibidad sa bansa sa susunod na taon.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, asahan na walang sasantuhin ang pangulo sa pagsasawata sa mga mayayamang negosyante na gumagawa ng ilegal na aktibidad.
Aniya, nakatakdang magsagawa ng anunsyo ang pangulo kaugnay sa tagilid na kontrata ng dalawang water concessionaires sa bansa sa darating na January 6, 2020.
- Advertisement -