29.6 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Duterte nakiusap sa Western countries na wag gawing basurahan ang mga bansa sa Asya

- Advertisement -

Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa Western countries na itigil na ang pagtatapon ng kanilang mga basura sa mga bansa sa Asya.

Ito ang binigyang diin ng pangulo sa ‘Special Lunch on Sustainable Development’ ng 35th ASEAN Summit kung saan binabaha aniya ng basura ang Pilipinas, Malaysia ,at Indonesia, ng mga basura mula sa ibang bansa.

Paliwanag ng Pangulo, dapat na maging responsable ang ibang bansa sa kanilang mga basura lalo na’t posibleng may masama itong idulot sa kapaligiran.

Matatandaang, nagkaroon ng sigalot ang Pilipinas at Canada matapos nitong itambak ang 69 na tonelada ng basura sa bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -