31.1 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Duterte ipinapanalangin na hindi matulad ang Pilipinas sa Iraq at Syria

- Advertisement -

Pinapanalangin umano ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi matulad ang Pilipinas sa Iraq at Syria na sinakop ng teroristang grupo na Isis.

Sa kaniyang talumpati sa oath taking ng mga bagong opisyal ng gobyerno sa Malakaniyang, sinabi ng pangulo na nananatiling isang malaking problema ng bansa ang naturang teroristang grupo.

Nangangamba aniya siya na kapag naghasik ng kaguluhan ang isis sa bansa ay tiyak na maraming inosente ang madadamay.

Hindi naman umano siya basta-basta nasisindak o nadadala sa pananakot ngunit iba na aniya ang usapan kapag ang Isis na ang naging banta sa seguridad dahil kitang-kita naman umano sa mga international news kung gaano kalupit ang mga ito.

Dahil dito, hinimok ng pangulo ang publiko na ipagdasal sa diyos ang kaligtasan ng Pilipinas sa kalupitan ng Isis.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -