34.7 C
Manila
Thursday, March 28, 2024

Duterte hindi obligado isapubliko ang kaniyang SALN

- Advertisement -

Hindi obligado si Pangulong Rodrigo Duterte na isapubliko ang kopya ng kaniyang Statement of Assests, Liabilities and Net worth (SALN).

Ito ang binigyang diin ni Presidential Spokesman Salvador Panelo kaugnay ng ulat ng Phil. Center for Investigative Journalism (PCIJ) na bigo ang Office of the Ombudsman na ilabas ang kopya ng SALN ng Pangulo noong nakaraang taon.

Kasabay nito, iginiit ng PCIJ na mula nang maisabatas ang SALN law noong 1989, lahat ng naupong presidente bago si Pang. Duterte ay walang palyang nagsusumite at isinasa-publiko ang kanilang SALN.

Ayon kay Panelo, sumusunod naman ang Pangulo sa batas, at nag-susumite ito ng kaniyang SALN.

Payo ni Panelo sa PCIJ, kung talaga nais nilang masilip ang SALN ng Pangulo ay maari naman nila itong kunin sa Ombudsman.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -