Duterte hindi interesado sa pagdinig ng Senado ukol sa franchise ng ABS-CBN

Duterte hindi interesado sa pagdinig ng Senado ukol sa franchise ng ABS-CBN

by Powered by DWIZ
34 views

Hindi interesado si Pangulong Rodrigo Duterte sa gagawing pagdinig ng Senado kaugnay sa prangkisa ng ABS-CBN.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, malabong i-monitor ng Pangulo ang gagawing pagdinig dahil marami itong trabahong kailangan gawin sa Lunes.

Iginiit naman ni Panelo na walang kinalaman ang Pangulo sa inihaing quo warranto petition ng DOJ sa ABS-CBN dahil trabaho na aniya ito ni Solicitor General Jose Calida.

0 comment

Related Posts