31.9 C
Manila
Thursday, March 28, 2024

Duterte hawak ang lahat ng baraha para masolusyunan ang isyu sa mga water concessionaires

- Advertisement -

Hawak ni Pang. Rodrigo Duterte ang lahat ng baraha para masolusyunan ang isyu sa mga water concessionaires.

Ito ang naging babala ng Malacañang matapos na mag-banta ang Maynilad at Manila Water na tataas ng 100% ang singil sa tubig.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, batid ng Pangulo ang lahat ng legal options hinggil dito.

Una rito, sinabi ng pamunuan ng Maynilad at Manila Water na tataas ang singil sa tubig matapos na kanselahin ng  Metropolitan Waterworks ang Sewerage System (MWSS) ang resolusyong nagpapalawig sa kasunduan ng gobyerno sa 2 water concessionaires mula 2022 hanggang 2037.

Paliwanag ni Panelo, dapat na alalahanin ng dalawang kumpanya na abogado ang Pangulo kaya’t alam nito mga probisyon ng anti graft law.

Samantala, nanindigan naman ang MWSS na hindi pa naman tiyak kung tataas ang singil sa tubig sa oras na matapos na ang kontrata ng 2 water concessionaires pagsapit ng 2022.

Paliwanag ng MWSS, sa oras na matapos ang kontrata ng mga ito sa pamahalaan ay marami namang bidders ang magnanais na mag take over sa water distribution sa Metro Manila.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -