27.5 C
Manila
Wednesday, April 17, 2024

Duterte dapat aminin sa SONA ang kahinaan ng pamahalaan sa COVID-19 pandemic response —IBON

- Advertisement -

Dapat na aminin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naging kahinaan ng pamahalaan sa pagtugon sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Ito ang inaasahang marinig ng IBON Foundation sa ika-limang State of the Nation Address (SONA) ng pangulo ngayong araw.

Ayon kay IBON Foundation Executive Director Sonny Africa, napakahalagang aminin ng pamahalaan ang naging pagkukulang nito sa pagharap sa krisis pangkalusugan na kinahaharap ng bansa.

Aniya, sa ganitong paraan kasi maiwawasto at mahahanapan ng solusyon ang pinakamatinding krisis pangkalusugan at ekonomiya sa kasaysayan ng Pilipinas.

Kaugnay nito, umaasa rin naman si Africa na ilalatag din ng pangulo ang mga kaukulang hakbang na ikinakasa ng pamahalaan para masolusyunan ang COVID-19 crisis.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -