Duque kumpyansang ligtas ang mga Pinoy sa Taiwan kaya binawi ang travel ban

Duque kumpyansang ligtas ang mga Pinoy sa Taiwan kaya binawi ang travel ban

by Powered by DWIZ
35 views

Walang kaugnayan ang banta ng Taiwan sa Pilipinas sa naging desisyon ng pamahalaan na bawiin ang ipinatupad na travel ban laban sa naturang bansa.

Ito ang naging paglilinaw ni Health Sec. Francisco Duque III matapos umapela ang Manila Economic and Cultural Office (MECO) sa gobyerno na bawiin ang travel ban sa Taiwan dahil posibleng alisin nito ang visa-free privileges ng mga Filipino.

Ayon kay Duque, ang kanilang desisyon na alisin ang travel ban ay dahil kumbinsido silang magiging ligtas ang mga Filipino doon.

That has nothing to do with it so, yung amin is purely public health, public safety,” ani Duque.

Dagdag pa ni Duque, ang naging basehan nila kaya’t una nilang isinama ang Taiwan sa travel ban ay dahil ginagawa itong transit point ng mga biyaherong nais na magtungo ng Pilipinas.

Gayunman, napatunayan naman aniyang walang local transmission ng COVID-19 sa naturang bansa, at pursigido rin aniya ang Taiwan na labanan ang nasabing sakit.

Number 1, the absence of local transmission in Taiwan. And number 2, the relatively low volume of travellers from Taiwan to Manila which is for February of this year just reach 45, 000 so, kakaunti,” ani Duque.

Samantala, taliwas naman ito sa unang pahayag ng DOH kung saan sinabi ni Health Spokesman Eric Domingo na kaya’t naging sakop ng travel ban ang Taiwan ay dahil batay aniya sa ‘WHO map’ bahagi ng China ang Taiwan.

Sa ngayon, nanatili namang nasa 18 ang kaso ng COVID-19 sa Taiwan kumpara sa 60,000 kaso ng naturang sakit sa China.

0 comment

Related Posts