Home Headlines Dumaguete airport pansamantalang isinara

Dumaguete airport pansamantalang isinara

0

Pansamantalang isinara ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP ang Dumaguete airport.

Ito ay matapos sumadsad sa runway ng Dumaguete airport ang isang eroplano ng Philippine Airlines na galing Cebu.

Ayon kay PAL Spokesperson Cielo Villanuna, sumabog ang isang gulong ng kanilang airbus A320 habang papalapag ito sa paliparan ng Dumaguete dakong alas-6:42 kaninang umaga.

Ligtas naman aniyang nakababa ang mahigit isang daang pasahero ng nasabing sumadsad na eroplano.

Dahil dito, ilang mga biyahe na ng eroplano na patungong Dumaguete at pabalik ng Manila ang kinansela.

Kabilang sa mga apektadong biyahe ay PAL Express Flight 2-P 2542 at 2-P 2546 mula Dumaguete patungong Manila at flight 2-P 2545 na patungong Dumaguete mula Manila.

Gayundin ang Cebu Pacific Flight 5-J 625 at 626.

Samantala, kanselado naman dahil sa nararanasang sama ng panahon ang biyahe ng Ceb Go patungong Basco Batanes at pabalik ng Manila.

(Ulat ni Raoul Esperas)

 

 

 

Dumaguete airport pansamantalang isinara was last modified: August 14th, 2018 by Krista De Dios

Exit mobile version