Drug war report ni Robredo mintis lang —Panelo

Drug war report ni Robredo mintis lang —Panelo

by Powered by DWIZ
98 views

Mintis para kay Presidential Spokesman Spokesman Salvador Panelo ang ‘Robredo report’ hinggil sa giyera kontra droga ng Duterte administration.

It’s a dud, wala naman siyang sinabing bago,” ani Panelo.

Ayon kay Panelo, kung ibabatay sa mga pahiwatig ni Vice President Leni Robredo, inakala nila na may pasasabugin itong malaking iregularidad sa ‘war on drugs’.

When she was threatening this report, she implied na meron siyang nadiskubreng irregularidad na parang bombang sasabog,” ani Panelo.

Imposible anya ang sinasabi ni Robredo na 1% lamang ng kabuuang suplay ng droga sa bansa ang nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa nakalipas na tatlong buwan.

Sinabi ni Panelo na ang mahirap kay Robredo, marami itong sinasabi nang italaga ng pangulo bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) gayung wala naman syang pinanghahawakang mga dokumento.

Binigyang diin ni Panelo na hindi ang ‘war on drugs’ ang ‘failure’, kun’di ang pag-upo ni Robredo bilang co-chair ng ICAD.

Palagay ko ang failure ay ‘yung pag-upo niya,” ani Panelo.

0 comment

Related Posts