Radio Philippines Network
DXDX GenSan News Provincial News

DRUG OPERATION, ISINAGAWA SA TACURONG CITY

Isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency Regio XII ang isang drug buy-bust operation noong Hulyo 22, 2019, sa Block 3, Apilado Subdivision, Tacurong City, Sultan Kudarat.

Nahuli sa operasyon si Hector Ulangkaya Jr. y  Wong alyas Jekay, 33 anyos, lalake, walang asawa, isang panadero, na taga-GM Homes, Barangay EJC Montilla, Tacurong City, Sultan Kudarat, matapos pumayag na magbenta ng isang transparent plastic sachet na maylamang putting crystalline substance na pinaniniwalaag shabu sa isang PDEA Agent na nagpanggap na buyer kapalit ang 500peso buy bust money.

Nakakuha pa ang PDEA ng karagdagang 2 sachet ng pinaniniwalaang shabu na may timbang na 0.1 gramo at may street value na nagkakahalaga ng 1,500 pesos.

Nakatakas si Ulangkaya sa isang buy bust operation ng PDEA noong 2017 laban sa Ulangkaya Brothers. Patuloy na binantayan ng PDEA ang kanyang mga illegal na Gawain hanggang sa masakote ito.

Sasampahan ng mga kasong Violation of Section 5 o Sale of Dangerous Drugs at Section 11 o Possession of Dangerous Drugs sa Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang sospek na kasalukuyang nakaditene sa PDEA Regional Office XII.

Nagtulungan sa nasabing operasyon ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office XII, Sultan Kudarat Provincial Office  sa pamumuno ni Naravy Duquiatan at Tacurong City Police Office.

Related posts

Caraga Regional Hospital’s Case Update As Of January 05, 2021

RPN

Gov. Uy, Members Of The PDRRMC Approves Resolution Declaring The Province Of DDO Under A State Of Calamity

RPN

Mga Pag-Atubang Sa Mga Kabalaka Sa Covid-19

RPN