28.6 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Drilon umapela ng transparency sa DOH ukol sa pag-uulat ng mga kaso ng COVID-19

- Advertisement -

Umapela ng transparency sa Department of Health (DOH) si Senate Minority Leader Franklin Drilon.

Ito ay matapos na baguhin ng DOH ang sistema ng kanilang pag-uulat sa mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Drilon, kahina-hinala kasi na bigla na lamang babaguhin ng DOH ang sistema ng kanilang pagre-report sa mga kaso ng COVID-19 matapos ang dalawang buwan na pag-uulat nila sa mga nasabing datos.

Aniya, walang mararating ang pag-mamanipula ng impormasyon dahil hindi makatutulong ang pan-dodoktor ng datos para makahanap ng solusyon sa pandemyang COVID-19.

Sinabi pa ng senador, patunay ang ibang bansa na ‘transparency’ ang isa sa mga sangkap upang masolusyonan ang problemang ito, kung saan iginiit nito na naging matagumpay ang laban ng ibang bansa sa COVID-19 dahil hindi nila itinago ang totoong sitwasyon ng kanilang laban sa nabanggit na virus.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -