DOT ikinatuwa ang pagtanggal ng travel ban sa Taiwan

DOT ikinatuwa ang pagtanggal ng travel ban sa Taiwan

by Powered by DWIZ
38 views

Ikinalugod ng Department of Tourism (DOT) ang pasiya ng interagency task force for the management of infectious disease na tanggalin na ang travel ban sa Taiwan.

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo Puyat, maituturing na isang positibong hakbang para sa Pilipinas ang nabanggit na pasiya ng pamahalaan.

Kaugnay nito, umaasa naman si Romulo-Puyat na mareresolba na sa lalong madaling panahaon ang krisis sa COVID – 19 sa buong mundo.

Hiling din ng kalihim na mabilis na makarekober ang lahat ng mga bansang naapektuhan ng COVID-19 lalo na ang industriya ng turismo.

0 comment

Related Posts