DOJ ipinag-utos na kasuhan si Albayalde ng graft at 12 ninja cops

DOJ ipinag-utos na kasuhan si Albayalde ng graft at 12 ninja cops

by Powered by DWIZ
16 views

Inirekumenda na ng DOJ Panel of Prosecutors na kasuhan sa Korte ang 12 sa 13 na mga pulis sa pangunguna ni Police Major Rodney Baloyo na tumatayong respondents sa isinampang kaso ng PNP-CIDG laban sa mga tinaguriang ninja cops ng Pampanga.

Sa inilabas na resolution ng DOJ kabilang sa mga pinakakasuhan si dating PNP Chief Oscar Albayalde nang paglabag sa Anti-graft and Corrupt Practices Act na isusumite naman sa Office of the Ombudsman alinsunod narin sa itinatadhana ng Ombudsman act.

Ayon sa DOJ, ito ay dahil sa pag impluwensiya ni Albayalde sa ibang opisyal ng gobyerno para protektahan ang kanyang mga tauhan at dahil na rin sa hindi pagpapatupad ng kautusan na masuspinde ang kanyang mga dating tauhan sa Pampanga na kasama sa anti-drug operation noong 2013.

Pinakakasuhan din ng DOJ ang 12 sa 13 dati nitong tauhan na inirereklamo ng CIDG kabilang na si P/Maj. Rodney Baloyo.

Ayon sa DOJ, mayroong probable cause para asuntuhin sina Baloyo at 11 tauhan  nito dahil sa paglabag sa paglabag sa Sec. 27, 29 Art II ng Republic Act 9165 dahil narin sa di pagdedeklara ng tama sa kanilang nakumpiskang ilegal na droga, at planting of evidence kabilang na ang paglabag sa Sec. 3 at 92 Art XI ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sinabi ng DOJ, nagkaroon ng misappropriations ang grupo ni Baloyo nang 36.60 kilos lamang ng nasabat nilang droga ang isinama nila sa kanilang report kahit pa lumabas sa imbestigasyon na mayroon talagang halos 200 kilo ng iligal na droga ang kanilang nakumpiska sa operasyon.

P300,000 lang din ang idineklara ng grupo ni Baloyo na nakumpiska nila sa operasyon sa kabila nang aabot talaga ito sa P10M.

Ibinasura naman ng DOJ Panel ang reklamo laban kay PO2 Anthony Lacsamana dahil sa kawalan ng sapat na ebidensiya. Ayon sa DOJ, base sa mga ebidensiya, hindi bahagi ng anti-drug operation si Lacsamana.

0 comment

Related Posts