30.9 C
Manila
Friday, March 29, 2024

DOH nagsagawa ng emergency hiring para sa Cebu City

- Advertisement -

Nagkasa na ng emergency hiring ng health workers ang Department of Health (DOH) para sa Cebu City.

Ayon ito kay Presidential Spokesman Harry Roque matapos kalmahin ang mga aniya’y burn out at pagod na sa trabahong health workers dahil sa dami ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) patients sa lungsod.

Sinabi ni Roque na priority ngayon ang Cebu kapag dumating ang mga biniling personal protection equipment (PPE), ventilators at iba pa.

Ipinabatid pa ni Roque na may kumpensasyong ibibigay ang lokal na pamahalan sa health workers kaya’t kaunting pasensya lamang dahil nakatutok na sa usapin ang gobyerno.

Kasabay nito inihayag ni Roque na magdaragdag din ng pondo ang pamahalaan para sa contact tracers.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -