30.2 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

DOH humingi ng tulong sa mga LGUs para sa mas mabilis na contact tracing

- Advertisement -

Hihingi na ng tulong sa mga local government units (LGUs) ang Department of Health (DOH) upang mapunan ang kakulangan sa contact tracers ng gobyerno.

Ayon kay DOH spokesperson Maria Rosario Vergeire, kailangan ng gobyerno ng tinatayang 95,000 tracers na siyang tutunton sa mga nakasalamuha ng isang taong dinapuan o nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19).

Sinabi ni Vergeire na nasa higit 38,000 pa lang ang na-hire ng DOH at marami pa ang kinakailangan upang mapuksa ang COVID-19.

Sa ngayon, isinasapinal na ng ahensya ang minimum qualifications para sa mga contact tracers at aniya’y ibabase sa salary grade ng Civil Service Commission (CSC) ang magiging suweldo ng mga ito.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -