29.6 C
Manila
Friday, April 19, 2024

DOH dapat magkaroon ng sistema sa pagkuha ng contact tracers —Abante

- Advertisement -

Iginiit ni House Minority Leader Benny Abante na dapat maglagay ng sistema ang Department of Health (DOH) kaugnay sa hakbang nito na pagkuha ng mga contact tracers bilang alternatibong trabaho para sa mga nawalan ng hanapbuhay bunsod ng pandemyang coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Paliwanag ni Abante, ito ay para matiyak na hindi magkakaroon ng korapsyon at iregularidad gaya ng ghost employees at double employment sa ilalim ng programa.

Sa ganitong paraan aniya ay hindi maaabuso ang tulong na ilalaan ng pamahalaan.

Samantala, umaapela naman si Iloilo Representative Janette Garin sa pamahalaan na imbis na kumuha ng contact tracers ay ilaan na lamang ang pondo sa pagkuha ng pneumonia vaccine bilang proteksyon ng mga nakatatanda laban sa COVID-19.

Paliwanag nito, hindi rin naman magiging epektibo ang manu-manong contact tracing sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) at modified GCQ dahil labas-masok na rin naman ang publiko sa kanilang mga lugar.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -