DOF nilinaw na hindi interesado sa dagdag buwis sa mga ‘salty products’

0
16

Nilinaw ng Department of Finance (DOF) na hindi sila interesado sa  panukalang pagpapataw ng dagdag na buwis sa mga salty foods tulad ng daing, tuyo at noodles.

Naniniwala sina Finance Undersecretary Karl Chua at Finance Assistant Secretary Antonio Lambino III na mas mabuting isulong ng gobyerno ang regulasyon para sa mga nasabing uri ng pagkain kaysa patawan ng dagdag na buwis ang mga ito.

Gayunman inamin ni Lambino na mayruong pag-aaral ang technical working group na binubuo ng DOF, DTI at DOH para mabawasan ang konsumo ng mga Pilipino sa mga pagkaing walang sustansya.

Magugunitang isinulong ng DOH ang dagdag na buwis para sa salty foods upang makaiwas ang mga pinoy sa sakit na dulot ng labis na asin sa katawan.