Direktor ng SEA Games opening ceremony kinumpirma na recorded ang ‘cauldron lighting’

Direktor ng SEA Games opening ceremony kinumpirma na recorded ang ‘cauldron lighting’

by Powered by DWIZ
10 views

Kinumpirma na ng direktor ng SEA Games opening ceremony na recorded ang ipinag-mamalaking ‘cauldron lighting’ sa opisyal na pagbubukas ng 30th Southeast Asian (SEA) Games nitong Sabado, November 30.

Ayon kay Floy Quintos, Director ng SEA Games opening ceremony maraming bagay kasi ang kailangan nilang isaalang-alang lalo na’t inaasahan na ang sama ng panahon bunsod ng bagyong Tisoy.

Aniya, standard practice lamang kanilang ginawa dahil wala namang makapagsasabi o makatitiyak hinggil sa lagay ng panahon sa opisyal na pagsisimula ng SEA Games.

Dagdag pa nito, naging segurista lamang sila dahil hindi naman maaring suspendihin ang SEA Games opening ceremony kahit na may bagyo sa bansa.

Una rito, sinabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na masyadong malaki P55-M inilaan para sa naturang cauldron.

0 comment

Related Posts