33.8 C
Manila
Friday, March 29, 2024

DILG umpela sa publiko na ibalik ang dobleng ayudang natanggap nila mula sa gobyerno

- Advertisement -

Umapela ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa publiko na ibalik ang dobleng ayudang natanggap nila mula sa pamahalaan.

Ayon kay DILG Undersec. Jonathan Malaya, dapat na ibalik ng publiko kung doble ang tulong pinansiyal na natanggap nila sa pamahalaan.

Sinabi ni Malaya, kung nakatanggap na ng ayuda sa ilalim ng social amelioration program (SAP) ang isang pamilya at nakatanggap pa itong muli ng ayuda sa ilalim naman ng iba pang programa ng pamahalaan gaya ng sa SSS, at Department of Finance (DOF) ay kailangan nilang isauli ito.

Aniya kailangang isa-alang-alang ng mga ito na kung nadoble ang natanggap nilang mga ayuda ay mayroong pamilyang hindi makatatanggap ng tulong pinansyal mula sa pamahalaan.

Sinabi pa ni Malaya kung hindi kusang isasauli ng mga ito ang dobleng ayuda na kanilang natanggap ay maari silang makatanggap ng  demand letter mula sa pamahalaan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -