Radio Philippines Network
Headlines National News

‘Di pagpapa-enroll ng mga magulang sa mga anak sa gitna ng COVID-19 pandemic iginagalang ng DepEd

Iginagalang ng Department of Education (DepEd) ang desisyon ng mga magulang na huwag i-enroll ang kanilang mga anak sa gitna na rin ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Ayon kay Education spokesman at undersecretary Nepomuceno Malaluan, hindi nila mapipilit ang mga magulang na i-enroll ang kanilang mga anak, subalit hinihimok nila ang mga ito na tutukan ang interventions na ikakasa nila kapag nagbukas na muli ang klase na tiyak anilang magbebenepisyo sa education system ng mas mahabang panahon.

Dati pa naman aniyang nakukunsidera ang distance learning bilang solusyon sa mga hamong kinakaharap ng mga estudyante tulad ng problema ng trapik sa Metro Manila, subalit kailangan na itong ikasa talaga dahil sa COVID-19 pandemic.

Binigyang diin naman ni Education Secretary Leonor Briones na maraming estudyante ang nais mag-enroll sa papasok na school year kahit pa pagsamahin ang face-to-face learning at online classes.

Ipinabatid pa ni Briones na para sa early registration, may 1.4-milyong estudyante ang nagsabing nais nilang pumasok ngayong school at bago pa magbukas ang formal enrollment, nakatatangggap na sila ng report mula sa ilang rehiyon na naabot na ang 75% ng kanilang target enrolment number.

Ang maganda aniyang turn out ng mga gustong mag-aral ay nakapagbibigay ng inspirasyon sa DepEd para matiyak na handing-handa ang mga paaralan at guro sa new normal.

Related posts

Pakikipag-usap ng PH Amb to US sa Amerika hinggil sa bagong kasunduang militar ‘di pipigilan ng Palasyo

Powered by DWIZ

Tolentino naniniwalang tatanggapin ni Robredo ang alok ni Duterte

Powered by DWIZ

Suspensyon sa Lotto operasyon binawi na ni Pangulong Duterte

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More