29.5 C
Manila
Friday, March 29, 2024

‘Di na paniningil ng Maynilad, Manila Water sa gobyerno tagumpara para sa mga Pinoy —Robredo

- Advertisement -

Maituturing na tagumpay para sa mga Pilipino ang hindi paniningil ng dalawang water concessionaires ng P11-bilyong danyos sa gobyerno.

Ito ay matapos bawiin ng Maynilad at Manila Water ang pagsingil sa gobyerno ng nasabing halaga at pagkansela rin sa water rate adjustment sa buwan ng Enero sa susunod na taon.

Ayon kay Vice President Leni Robredo, malaking benepisyo ito dahil pera aniya ng gobyerno at taumbayan ang ibabayad sakaling matuloy ang pagbabayad pamahalaan sa Maynilad at Manila Water.

Magugunitang una nang inatasan ng Singapore arbitration court ang gobyerno ng Pilipinas na bayaran ang naturang danyos ang Maynilad at Manila Water dahil sa pagkalugi nito nang maharang kanilang taas-singil sa tubig noong Hunyo taong 2015 hanggang Nobyembre nang kasalukuyang taon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -