Radio Philippines Network
Headlines National News

Dennis Uy inamin na malapit siya kay Pangulong Duterte

Inamin ni Chief Executive Officer at President ng Udenna Corporation na si Dennis Uy na malapit siya kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa pagtatanong ni Senador Antonio Trillanes IV sa naging pagdinig ng Senate Committee on Public Services, umamin si Uy na nagbigay siya ng tatlumpung milyong piso para sa campaign fund ni Pangulong Duterte noong 2016.

Maliban dito, sinabi ni Uy na may mga kaibigan at board member din ang kanilang kumpanya ang nagbigay para sa pangangampanya ni Duterte.

Matatandaang ang Udenna Corporation ay bahagi ng Mislatel Consortium na naaprubahan bilang third telco player sa bansa.

Samantala, lumitaw din sa pagdinig na part owner si Uy ng Cessna private kung saan ay nakakasama nitong sumakay sa naturang eroplano ang mga miyembro ng oversight committee na responsable sa selection process ng third telco.

Related posts

E.O. 15 na nagtatalaga kay Robredo bilang co-chairperson ng ICAD hindi na kailangan amyendahan —Panelo

Powered by DWIZ

Operasyon ng MRT balik na sa normal matapos magkaaberya kanina

Powered by DWIZ

Guevarra inatasan ang bagong hepe ng BuCor na linisin ang kalat na idinulot ng GCTA

Powered by DWIZ