Death toll sa plane crash sa Karachi pumalo na sa 97

Death toll sa plane crash sa Karachi pumalo na sa 97

by Powered by DWIZ
28 views

Nasa 97 na ang kumpirmadong patay sa pagbagsak ng eroplano ng Pakistan International Airlines sa isang residential area sa Karachi.

Sa paunang report, nagtangka pa umano ang eroplano na mag landing sa Jinnah International Airport subalit nagkadiperensya ang engine ng eroplano at bumagsak na ito sa residential area.

Ayon sa Health ministry ng Pakistan, mayroong dalawang nakaligtas sa pagbagsak ng eroplano.

Hindi inaaalis ng otoridad na may mga nasawi rin sa mga residente ng kabahayan kung saan bumagsak ang eroplano.

Sa paunang bilang nasa 35 bahay ang nawasak sa lugar na kinabagsakan ng eroplano.

0 comment

Related Posts