Radio Philippines Network
Headlines National News

Death toll sa bagyong ‘Tisoy’ umakyat na sa 13

Umakyat na sa 13 ang napaulat na nasawi sa Region 5, Region 8, Calabarzon at Mimaropa dahil sa hagupit ng bagyong ‘Tisoy’.

Batay sa impormasyon ng Police Regional Office V, isa ang namatay sa bayan ng Libmanan, Camarines Sur; isa rin sa Bulan, Sorsogon; gayundin sa Goa, at sa bayan ng Pili, Camarines Sur.

Ayon naman sa datos ng Mimaropa Police Regional Office, lima ang nasawi bunsod ng bagyo at kinilala ang mga ito na sina Ildefonso Reyes Delos Santos, Jessie Santos, Efren De Guzman Cueto at Dominador Lazo na mula sa Oriental Mindoro habang ang isa ay si Bernabe Minay Lundag na mula sa Marinduque.

Nasawi naman ang isa katao sa Ormoc City batay naman sa report ng Office of Civil Defense ng Region 8.

Nasa dalawa katao naman ang inilabas na kabuoang bilang ng Police Regional Office sa Calabarzon na nasawi dahil rin sa bagyong ‘Tisoy’.

Sa inilabas na report ng Catanauan Municipal Police Station, isa ang nag ngangalang Rafael Palma ang nasawi sa Barangay Gatasan matapos itong mabagsakan ng bumagsak na puno.

Samantala, sa impormasyon naman galing sa Polilio Municipal Police Station ang isang residente ng Brgy. Sibulan na si Joe Quito Sta. Ana ay tinamaan ng kidlat dahilan para masawi ito sa kasagsagan ng bagyong ‘Tisoy’.

Related posts

Mithiin ng 1986 EDSA People Power bigong maabot — Gonzales

Powered by DWIZ

Mahigit 50 brgy at SK officials pinadalhan ng show cause order ng DILG

Powered by DWIZ

Duterte target paigtingin ang kampanya vs. mga negosyanteng sangkot sa illegal activities

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More