31.9 C
Manila
Thursday, April 18, 2024

Death penalty sa mga drug-related crimes pinaboran ng PDEA

- Advertisement -

Pabor ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na muling ibalik ang parusang kamatayan para sa mga krimeng may kaugnayan sa iligal na droga.

Ito ayon mismo kay PDEA Dir. Gen. Aaron Aquino, kung saan sinabi nito na tiwala siya na ang death penalty ang lulutas sa lumalalang krimen na may kaugnayan sa ipinagbabawal na gamot.

Ayon kay Aquino, dapat na patawan ng death penalty ang lahat ng mga mapapatunayang na nagtutulak o nagbebenta ng droga, at mga protektor nito, Pilipino man o banyaga.

Paliwanag pa ni Aquino, ang mga nakakagawa ng mga karumal-dumal na krimen na dulot ng droga, tulad ng pang-gagahasa ay dapat ding maisama sa death penalty.

Sa katunayan aniya ay nakatanggap na ng report ang PDEA ukol sa mga convicted drug lord na patuloy ang operasyon ng iligal na droga kahit na nasa loob ng kulungan.

Kaugnay nito, sinabi rin ni Aquino na katanggap-tanggap naman ang pagpapataw ng parusang kamatayan sa mga indibiwal na mapapatunayang nakagawa ng karumal-dumal na krimen dahil ang mga ganito anyang klaseng indibiwal ay gusto lamang manira ng buhay at kinabukasan ng kapwa nito.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -