Home Headlines De Vera bagong House minority leader ayon kay Fariñas

De Vera bagong House minority leader ayon kay Fariñas

0

Napili na ang bagong lider ng minorya sa Kamara.

Ipinabatid ni Ilocos Sur Representative Rodolfo Fariñas na si ABS Party-list Representative Eugene de Vera ang bagong House Minority Floor Leader batay na rin sa ginawa nilang botohan.

Sinabi ni Fariñas na si De Vera ay kapalit ni Quezon Representative Danilo Suarez.

Ang mga kongresista aniyang hindi bumoto kay bagong House Speaker Gloria Macapagal Arroyo at hindi sumama sa mayorya ang nag botohan para piliin si De Vera bilang bagong lider ng minority group.

Kasabay nito, ibinunyag ni Fariñas na ilang kongresista ang kumausap at kumumbinsi sa kanyang iwan si dating House Speaker Pantaleon Alvarez at bumoto na rin kay Arroyo kapalit nang pananatili niya bilang majority leader.

Tinanggihan aniya niya ang nasabing alok at napalitan siya ni Camarines Sur Representative Rolando Andaya.


Kinontra naman ni Quezon Representative Danilo Suarez ang pagluklok ng ilang kongresista kay ABS Party-list Representative Eugene de Vera bilang minority leader ng kamara.

Iginiit ni Suarez na siya at ang kaniyang grupo pa rin ang bumubuo sa Minority Bloc sa Mababang Kapulungan.

Dahil dito, inalis ni Suarez sa kanilang grupo si De Vera at nasaktan aniya siya sa pagtalikod sa kanila ng kongresista na hindi naman ikinunsulta sa kanila.

—-

 

 

 

 

De Vera bagong House minority leader ayon kay Fariñas was last modified: August 3rd, 2018 by Judith Estrada-Larino

Exit mobile version