Home Headlines De Lima tumangging magpasok ng plea sa Muntinlupa arraignment

De Lima tumangging magpasok ng plea sa Muntinlupa arraignment

0

Nagpasok ng “not guilty plea” ang korte para sa kinahaharap na kasong “conspiracy to trade illegal drugs” ni Senadora Leila De Lima.

Ito ay matapos na tumanggi ang senadora na magpasok ng plea sa kanyang nasabing kaso sa Muntinlupa City Regional Trial Court Branch 2-0-5.

Ayon kay De Lima ,walang basehan ang mga lumabas na impormasyon na nakinabang siya sa bentahan ng droga sa loob ng New Bilibid Prison o NBP noong siya ang kalihim pa ng Department of Justice.

Bago ang pagbasa ng sakdal, ibinasura na ng korte ang naunang mosyon ni De Lima na mabalewala ang inamyendahang impormasyon ng prosekusyon kaugnay sa pagbabago ng kasong isinampa laban sa kanya.

Una nang sinampahan si De Lima ng kasong illegal drug trading.

De Lima tumangging magpasok ng plea sa Muntinlupa arraignment was last modified: August 11th, 2018 by Arianne Palma

Exit mobile version