28.9 C
Manila
Friday, April 19, 2024

DBM pinagpapaliwanag sa nadiskubreng P20-B na hindi malinaw ang paggagamitan

- Advertisement -

Pagpapaliwanagin ng Senado ang Department of Budget and Management (DBM), kaugnay sa nadiskubre ni Senator Panfilo Lacson sa 2020 budget na P20-B parked funds sa ilalim ng ilang ahensya na walang katiyakan saan gagamitin.

Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, dapat na magpaliwanag ang DBM kung bakit napasok ang item na walang project description at kailangan rin aniya ituro kung sino ang nagpasok ng naturang halaga.

Gayunman, nakita rin ni Lacson na mayroon special purpose fund na P4-B sa DBM, na hindi makatwiran dahil hindi naman nagpapatupad ng proyekto ang ahensya nito.

Samantala, maituturing na pork ang ganitong lump sum funds na nakalalabag sa Korte Suprema sa pagbabawal sa pork barrel at lump sum funds sa national budget. — ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol  19)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -